Noong February 17, 2024 mainit na tinanggap at sinalubong ni Mayor Strike B. Revilla ang mga artista (cast) ng Batang Quiapo sa pangunguna ni Coco Martin (Tanggol) at ni Sen. Lito Lapid (Supremo) bago ito umikot sa Lungsod ng Bacoor.
Ang Bacoor ang unang binisita ni Tanggol para sa FPJBQ BARANGAYAN na sinimulan sa Barangay Molino 4, na nagtapos sa Zapote Market.
Ang pag-ikot ng Batang Quiapo ay isang pasasalamat sa mga Bacooreñong patuloy na sumusubaybay at patuloy nagbibigay suporta sa Batang Quiapo.
Nagpapasalamat naman ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla dahil napili ang Lungsod ng Bacoor para ganapin ang motorcade na nagbigay saya sa Bacooreño.
Dahil sa Bacoor At Home ang Batang Quiapo.