Isang masayang pagdiriwang ng Flag Raising ang naganap ngayong araw sa Strike Gymnasium, pinangunahan ng BACOOR PESO.
Nagbigay ng pambungad na mensahe si Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, na sinundan agad ng Audio Visual Presentation ng BACOOR PESO.
Sa pagdiriwang ng Flag Raising, ipinresenta ni Dr. Abraham “Bob” De Castro ang parangal na iginawad ng DOLE REGION IV-A. Ito ay pagkilala sa City Government of Bacoor at Bacoor Public Employment Services Office (PESO) dahil sa kanilang walang sawang dedikasyon, suporta, at galing sa pagpapatupad ng JobStart Philippines Program.
Buong pusong binabati ng Pamahalaang Lungsod ang BACOOR PESO sa natanggap na parangal na ito. Layunin nito na maging katuwang ng bawat BacooreƱo ang Lungsod ng Bacoor sa pagbibigay ng hanapbuhay sa pamamagitan ng programa ni Mayor Strike B. Revilla.
Gayunpaman, ibinahagi rin ng ating alkalde ang mga nagawa niya nitong mga nakaraang linggo bilang pagtatapos ng Flag Raising.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.