Nagpakita ng suporta ang minamahal nating Mayor Strike B. Revilla sa UPLIPP General Assembly and Oath Taking. Ang United Private Lying Inn Practitioner and Proprietress o UPLIPP ay isang organisasyon na nagsusulong ng adbokasiya para sa kalusugan at kaligtasan.
Sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, naganap ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng UPLIPP na magsisilbing mga pangunahing tagapamahala sa pagtulong sa komunidad.
Kabilang sa mga bagong opisyal na nakibahagi sa seremonya ay sina:
President Dr. Tess Bacuñata
Vice President Ms. Rosalyn Olivar
Secretary Ms. Ma. Lourdes Paud
Asst. Secretary Ms. Maria Lourdes Paglinawa
Treasurer Ms. Cristy Joy Olmeda
Auditor Ms. Roxy Palamada
Asst. Auditor Ms. Olive Cueco
PRO Ms. Bleselda Satur and Ms. Jennifer Medillo
Nagpahayag rin ng pag-asa ang ating mahal na Mayor Strike B. Revilla na gagawin nya ang lahat paraan para mabigyan ng maayos at maging athome at bawat Bacooreño.
Ang pagtitipon ay naganap sa Bulwagan ng Liga ng Barangay sa Cavite noong ika-14 ng Marso, 2024, mula 1:00 PM hanggang 4:00 PM. Ito ay nagsilbing isang makasaysayang okasyon para sa mga miyembro ng UPLIPP na magkaisa, magpalitan ng mga ideya, at patatagin ang kanilang pangako sa kanilang propesyon at komunidad.
Maraming salamat po.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.