Noong October 13, 2023, ipinagdiwang ng mga guro mula sa pribadong paaralan ang Teachers Day kung saan ang lahat ng guro sa pribadong paaralan na nasa Lungsod ng Bacoor ay binigyang pagkilala ng Pamahalaang Lungsod sa pagagamitan ng sektor ng Edukasyon (DepEd) at ng opisina ni Mayor Strike B. Revilla.
Hindi rin matatawaran ang sakripisyo ng mga guro sa mga pribadong paaralan, kaya naman si Mayor Strike B. Revilla, Cong. Lani M. Revilla, Sangguniang Panlungsod Members sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola ay nag organisa ng Teachers Day Celebration sa Main Square Mall, para bigyang halaga ang kontribusyon ng ating mga guro sa mga kabataang Bacooreño na nag-aaral sa pribadong paaralan.
Mahigit sa dalawang daang guro/teacher ang dumalo sa selebrasyon. Nag pakita rin ng husay sa pagkanta at pagsayaw ang mga guro dahil sa Dance at Singing Contest na inorganisa ng DepEd Bacoor katuwang ang Organization ng Private School.
Dumalo sila Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Cong. Lani M. Revilla at Khei Sanchez na siyang kumatawan Kay Mayor Strike B. Revilla. Kasama rin sa dumalo si Dr. Babylyn Pambid – OIC School Division Superintendent, Dr. Janet G. Villaroya – Education Program Supervisor, SGOD, Dr. Ruther E. Esconde – President, Ruther E. Esconde School, Engr. Arsenio J. Guinto Jr. – VP Internal, St. Perigrine Institute, Dr. Roselle B. Guinto – VP External, St, Perigrine Institute, Punong Barangay Alfie Gawaran, Councilor ABC Pres. Kap. Monching Bautista, at ang bumubuo ng Bacoor City Organization of Private School Inc.
Sa huli, tumanggap ng award ang mga nanalong guro sa Dance at Singing contest.
Ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla kaisa ng Department of Education (DepEd) ay patuloy na susuporta sa sektor ng Edukasyon para mas maging dekalidad ang Edukasyon maibibigay sa ating mga kabataang Bacooreño.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.