Sa pangunguna ng City Govt. of Bacoor- City Agriculture Office at Mamamayan Para sa Lambat at Dagat Multi Purpose Coop., naisakatuparan ang ganitong kalaking event. Pangunahing sponsor po ng event na ito ay ang Maynilad Water Services Inc., ang City Govt. of Bacoor sa pangunguna ni City Mayor Strike B. Revilla at ni VM Rowena Bautista Mendiola at ng SP. Malaki din ang naging ambag sa pagpapasaya sa mga kalahok na Mandaragat nina Cong Lani M. Revilla at ng Agimat Party-list sa pangunguna ni Cong. Bryan Revilla kasama si BM Ram Revilla. Brand new na Bangkang de Makina ang grand prize sa naging pa raffle, nariyan din ang kilo-kilong bigas na ipinamigay sa mga nabunot sa raffle na mga Mandaragat. Pangunahing mga naitampok na palaro ay *Karera ng Bangka(de sagwan, diesel at gasolina)
*Paligsahan sa pabilisang lumangoy
*Fishing Boat Decoration
*Pabilisang Magbukas ng Talaba
*Tahong Recipe Cookoff
Libo libong piso ang nakuha ng mga naging kampeon sa bawat event at nilakipan pa ito ng plake, medalya at mga certificates.