Strike it, kabataang Bacooreño! Sa pagbubukas ng Bacood Festival, inilunsad ngayong araw na ito ang Strikers Junior Basketball Clinic upang bigyang oportunidad ang mga batang Bacooreño na mas gumaling pa sa paglalaro ng basketball. Sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, layon ng aktibidad na ito na mas palawakin ang kahusayan ng bawat Bacooreño sa larangan ng sports at bigyan ng pagkakataon ang mga kabataang matuto mula sa mga beteranong sila Marlou Aquino, Eric Acuña, at sa iba pang hinahangaang players ng Bacoor City Strikers!
Ang pagbubukas ng basketball clinic ay dinaluhan ng mga kabataan mula sa ibat-ibang barangay ng Bacoor City. 730 na kabataan mula sa 73 na barangays ng lungsod ang maswereteng makakalahok sa basketball clinic. Sa mensahe ng butihing mayor, Strike B. Revilla sinabi niya na ang ganitong klaseng mga aktibidad ay naglalayong ang galing at potensyal ng bawat batang manlalaro na abutin ang kanilang mga pangarap na maging mahuhusay na atleta.