Idinaos kamakailan ang 59th Fish Conservation Week na may temang “Pagkain ng Bansa SIguraduhin, Likas-Kayang Produksyon ng Isda Isulong Natin!”. Tinanggap ni G. Allan Chua ang award mula sa National Director ng DA-BFAR OIC na si Dir.Nestor Domenden. Nagpahayag naman ng kanyang pagpupugay at pasasalamat ang kalihim ng Kagawaran ng Pagsasaka at si Pangulong Ferdinand “Bong-Bong”Marcos Jr. sa mga nabigyan ng award. Ang Bacoor City ang natatanging lungsod na nagpadala ng entry tungkol sa industriya ng tahong gamit ang bagong metodolohiya na long line green mussel technology.