Isang araw na paliksahan ang ginanap sa University of Perpetual Help System Delta, Molino Campus na dinaluhan ng mahigit na 300 Fire Volunteers na galing sa ibat-ibang Barangay sa Lungsod ng Bacoor.
Ang Olympics ay taon-taong ginagawa dahil ito ang isa sa pinakamahalagang programa ng Bureau of Fire Protection (BFP) tuwing fire prevention month. Dito ipinapakita ng bawat grupo ang kanilang galing sa pag-apula ng apoy at kung paano sila makakapag ligtas ng buhay kapag nagkaroon ng isang trahedya.
Sa pagpapamalas ng kanilang galing ang ating 24/7 Mayor Strike B. Revilla ay magbibigay ng ganting pala kung sino ang tatanghaling kampiyon ngayon taon.
Dinaluhan naman ni Ma’am Katrina J. Sanchez ang kumatawan kay Mayor Strike B. Revilla na siyang nagpaliwanag ng mga programa, proyekto at mga ordinansang ipinapatupad ng ating Lungsod.
Dumalo rin sila Commodore Fortunato R. Sagudo Jr. PhD. Dean, College of Criminology ng University of Perpetual, JCINSP Joy Anne C. Pascual – BJMP-Female Warden ng Bacoor, City Fire Marshal Bacoor City Fire Station FSINSP Precious V. Petalio – City Fire Marshal, SK President Palm Buncio at ibang pang opisyal ng Barangay na lumahok rin sa Olympics.
Nagbigay naman ng 100% na suporta ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla at Sangguniang Panlungsod Members sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola dahil sa napaka gandang programa na makakatulong sa ating mga Bacooreño.
Hangad ng Pamahalaang Lungsod ang kaligtasan ng bawat isang Bacooreño, kaya patuloy tayong pinaaalalahanan na maging handa sa lahat ng oras.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.