trMayroon ka bang pinagdaraanan at kailangan mo ng makakausap? O baka naman, kailangan mo ng makakasama at susuporta para harapin ito nang mas magaan?
Huwag mag-alala dahil handa kaming makinig at suportahan ka sa pamamagitan ng STRIKE AS ONE TELEPAYO.
Ang bagong programa na ito ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla katuwang ang BDRRMO, CSWD, at CHO, ay may layuning makinig, magpayo, at magbigay ng espiritwal at emosyonal na suporta para sa Bacooreño na nakakaranas ng depresyon, pagkabalisa, at iba pang karamdaman na tungkol sa Mental Health ng isang indibiduwal.
Tumawag lamang po kayo sa mga numerong 161. Bukas po ang linya na iyan para sa inyo simula 5:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi, Monday to Friday.
Maraming salamat po.
Dahil sa Bacoor, #StrikesCareForYou!
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.