Naganap ang Kalinga sa PWD bilang pagmamalasakit sa mga BacooreƱong may kapansanan. Bukod sa distribusyon ng cash gifts, may libreng gupit at masahe mula sa City Livelihood Office, at may Nutrition Talk din isinagawa ang CSWD.
Nagpalaro at nagpa-raffle din si Konsehala Karen Evaristo na mas nagpasaya pa sa aktibidad.
Nagbigay ng mensahe si Kap. Jowrin Bautista, presidente ng PWD Association, dumalo din ang mga city councilors ng District 2 at si Miss Khei Sanchez na kumatawan kay Mayor Strike B. Revilla.