Ito’y dahil sa pagtatampok ng mga accomplishments ng pamahalaang lungsod at ng pagdiriwang ng kaarawan ni Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola. Binuksan ni City Councilor Reynaldo Palabrica ang programa na inilahad din ang pagtaya ng sangguniang panglungsod sa paglalatag ng mga lehislasyon at ordinansang mas magpapalakas sa direktibo ng lokal na pamalaan kabilang na ang pagpapalakas sa mga barangay sa Bacoor. Naganap din ang turn over ng mga bitaminang donasyon ng AMA Bacoor sa City Health Office.
Nasurpresa naman ang ating butihing Vice Mayor dahil sa video presentations tampok ang birthday greetings ng iba’i-ibang mga pinuno sa Bacoor at ng probinsya ng Cavite, ng mga kawani ng pamahalaang lugsod, ni Senator Bong Revilla at Cong. Lani Mercado-Revilla, at mga taong malalapit sa kanyang puso. Tuwang-tuwa din ang birthday celebrant sa pagbibigay ng dance number ng OVM staff. Inalayan din ni Mayor Strike si Vice Mayor Wena ng isang song number kasama ang mga miyembro ng sangguniang panglungsod. Lubos ang pasasalamat ng ating minamahal na Vice Mayor sa lahat ng mga naghatid ng kanilang pagbati at inihayag ang patuloy na pagsama kay Mayor Strike sa kanyang hangarin para sa lungsod ng Bacoor na isa rin sa kanyang motibasyon sa pagbibigay-serbisyo sa lungsod.
Ibinahagi naman ni Mayor Strike B. Revilla ang anuman ang mga pinagdaanan sa taong 2022, siya’y umaasa na magiging mas maganda ang 2023 para sa mga Bacooreno. Inilatag din ni Mayor ang ilang mga napagtagumpayang programa tulad na lamang ang kaunting firecracker-related injuries dulot ng pagpapaigting sa Oplan Iwas Paputok. Nagbigay din ng paalala si Mayor tungkol sa Operation HOPE na magbibigay ng libreng operasyon sa mga may cleft lip/palette. Idiniin din ni Mayor ang kahalagahan ng pagtutulungan as we Strike as One dahil sa Bacoor, At Home ka Dito.