Sinalubong ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ang pangalawang linggo ng Marso sa isang espesyal na Flag Raising Ceremony, na pinangunahan ng Liga ng mga Barangay, SK Federation, Asosasyon ng mga Barangay Kagawad (ABAKA), Asosasyon ng mga Barangay Secretaries (ABS), at Asosasyon ng mga Barangay Treasurers (ABT).
Sinimulan ang unang parte ng programa sa isang pambungad na pananalita mula kay Hon. Randy Francisco, na agad ding sinundan ng Ceremonial Turnover ng limang boxes ng Daphne Contraceptive Pills na handog ng Imus Dambalasik Lions Club District 301-A2.
Ang ikalawang parte ng programa ay inialay naman sa pagdiriwang ng kaarawan ni Mayor Strike B. Revilla, kung saan naghandog ang mga ito ng mga special number na talaga namang naghatid ng saya kay Mayor Strike at sa lahat ng mga manonood.
Pagtapos nito ay naghatid ng mensahe si SK Federation President Palm Buncio. Naghandog din ito ng cake para kay Mayor Strike kasama ang iba pang SK Chairman ng Lungsod.
Hindi naman makukumpleto ang programa kung walang mensahe mula kay Mayor Strike. Ito ay punong-puno ng pasasalamat gayundin ang kanyang pagbabalik-tanaw sa lahat ng mga programa sa nakaraang linggo gaya ng mga sumusunod:
1. Birthday Celebration of the Late 2. Senator Ramon Revilla Sr.
3. Blessing of Rancho Revilla
4. Launching of PalengQR PH
5. LTO – LGU Interconnectivity MOA
6. Godfather’s Day
7. Celebration of Women’s Month
8. BIDA Fun Bike Ride
9. Upcoming Events
Bilang pasasalamat ay nagpatuloy rin ang mga pa-raffle para sa mga empleyado ng Lungsod.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.