Isang pagpupulong po ang naganap noong October 20, 2023 sa Revilla Multi-Purpose Hall kung saan aming tinalakay ang Safety and Security ng mga Estudyanteng Bacooreño dahil napapanahon po ang mga nababalitang mga karahasan sa mga Paaralaan. Kasama rin po sa aming tinalakay pagdaragdag ng Police Visibility, pagtutulungan ng mga PTA Officers, Parent Volunteers at mga Barangay Tanod upang makapagbigay ng tulong sa pagbabantay sa paaralan.
Handa rin po ang pagtulong ng SK officials at LYDO para sa mga darating na proyekto at programa ng bawat paaralan. Amin din pong binigyang pansin ang paggamit ng TELEPAYO para makatulong sa mga problema ng mga estudyante.
Ako’y natutuwa dahil ang pagpupulong na po ito ay dinaluhan ng Fraternity Representative, Parents and Teachers Associatio (PTA) , Ms Angie Cariaso ng Local Youth Development Office (LYDO) Atty. Nathaniel De Leon ng City Legal Office, Bacoor PNP OIC Chief PLtCol. John Paolo Carracedo, Mr. Noli Galvez ng BDRRMO at TRIGOV Bacoor, Doc Tina ng Hope Foundation at ni ABC Pres. Monching Bautista.