Sa pangunguna ni Mayor Lani Mercado Revilla, pumasok sa isang kasunduan ang pamahalaang lungsod ng Bacoor sa San Nicolas Senior High School, St. Michael’s Institute Senior High School, at St. Francis of Assissi Senior High School. Ayon sa Memorandum of Agreement, magbubuo ng joint working group na may layuning mapatupad ang full employment at equality of employment ng mga magtatapos sa mga nasabing paaralan. Ang Public Employment Service Office ang tumatayang manguna sa inisyatibang ito.

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani