Puspusan ang paghanda ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa posibleng epekto ng Typhoon Tisoy. Kasalukuyang nakalatag ang mga plano para sa posibleng evacuation ng mga maaaring maging apektadong barangay sa Bacoor Command Center.

Mula pa kagabi, patuloy ang paghahanda ng staff ng City Social Welfare and Development Office na pinangungunahan ni Ms Liliane Ugalde upang matugunan agad ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan na sakaling maapektuhan.

Nag-ikot naman ang mga personnel ng Bacoor Disaster Risk and Reduction Management Office sa iba’t ibang mga barangay para siguraduhing naka-alerto ang kani-kanilang mga Barangay DRRM Committees at Emergency Response personnel.