Sa patuloy na pagbibigay ng panibagong pag-asa at liwanag sa bawat Kabataang Bacooreño, matagumpay na inilunsad noong May 16, 2023 sa Revilla Hall ang Project Hope sa pangunguna ni Dr. Tina Alberto, founder of Hope in Me Club at taos puso itong pinaunlakan ni Mayor Strike B. Revilla.
Layunin ng programang ito na matulungan ang 43 public schools at ang higit nasa 93,000 learners sa ating Lungsod, kung saan nais ng proyekto na ito na maengganyo ang mga iba’t ibang sektor tulad na lamang ng business at private sectors, upang makapagbigay suporta sa programa at sa bawat mag-aaral ng Lungsod ng Bacoor.
Ayon nga kay Mayor Strike B. Revilla, “Kapag kabataan ang pinag-uusapan isa ito sa very sensitive para sa akin… Noon nangangarap tayo, nangangarap maabot ang isang bahay, posisyon, o isang professional, but still sa nakikita natin sa ating panahon ngayon, nagbago na ang pag-ikot ng mundo. Malaki na ang naambag ng kabataan ngayon.” Sapagkat isa sa mga pangarap ni Mayor Strike na maging progresibo at maging maayos ang kalagayan ng bawat kabataan sa ating Lungsod , dahil para sa kanya ang kabataan ay isa sa mga bunga ng pagsibol ng bagong pag-asa.
Samantala, buong puso namang nanumpa sa harap ni Mayor Strike B. Revilla ang mga 43 PTA Officers na kanilang ibibigay ang kanilang dedikasyon at suporta sa bawat programa at proyekto na magdudulot ng positibong epekto sa edukasyon.
Ito naman ay dinaluhan nina Mr. Christian Gawaran – Dept. Head of BPLO and CICU, Dr. Babilyn Pambid – Schools Division Superintendent of DepEd Bacooor, Hon. Toto Guerrero – Head of Committee of Education, Hon. Rey Palabrica – President Pro Tempore, Jayson Atienza – President, Bacoor Chambers of Congress Industry, Rowena Sara – Vice President of the Federated Parent Teacher Association of the City of Bacoor, Hope in Me Club Scholars, 43 PTA Officers, Mayor Strike B. Revilla, Atty. Venus De Castro – OSCA at ni Ms. Melani Tabligan – Ilisan – Chief Operating Officer RM Lorenzo.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.