Opisyal nang nilagdaan ang kauna-unahang Pledge of Commitment sa CALABARZON noong July 21, 2023, bilang simbolo sa pagtatalaga ng samahan sa pagitan ng Philhealth Konsulta at ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa kanilang adhikaing pangkalusugan para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL).
Pinangunahan ito nina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, Councilor Alde Pagulayan, at Councilor Simplicio Dominguez.
Ang programang Alagang Konsulta para sa mga PDLs ay naglalayong magbukas ng bagong oportunidad upang sila ay makakuha ng mga pangunahing serbisyong pangkalusugan o medikal na pangangailangan katulad na lamang ng pagbibigay ng libreng mga gamot at laboratoryo.
Sa kabilang banda, buo naman ang ipinakitang suporta ng mga panauhin mula sa PhilHealth Region IV-A sa pangunguna ni Regional Vice President Dr. Danilo Reynes, BJMP – Bacoor sa pangunguna ni JSUPT. Kaye Del Rosario at JCINSP Elaine D. Toledo, Southern Tagalog Regional Hospital sa pangunguna ni Medical Chief Dr. Ruby Ephraim Rubiano, PCSO Social Welfare Office sa pangunguna ni PSCO Manager Flora Obina, at ni Division Chief Field Operations Region IV-A Arturo Ardiente.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.