Isinagawa noong July 22, 2023 ang pagpupulong para sa “Plebisito para sa mga Bacooreño 2023: Magsama-sama para sa pagkakaisa Barangay Pulong Pulong” na ginanap sa Bacoor Government City Hall Lobby.
Sa pulong ay nagbigay ng pahayag tungkol sa Barangay Merging ang mga kilalang kawani ng Bacoor na sina Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, Congresswoman Lani Mercado Revilla, at ang mga Sangguniang Panlungsod.
Isa rin sa nagbigay ng mensahe ay si Atty. Justine Dela Cruz ng Comelec Bacoor. Isa sa kanyang tinalakay ay ang tamang pagboto para sa paparating na Plebisito ng Barangay Merging.
Narito ang mga kawani at opisyales ng barangay na dumalo sa nasabing pulong:
Atty. Mitzele Veron Morales-Castro (Provincial Election Supervisor – Cavite)
Ma. Rowena Villanueva (Acting Election Officer, Municipality of Noveleta)
Election Officers Cavite
Mga Opisyales ng Barangay Panapaan 2, 3, 4, 5, 6, 7, at 8
Kaya naman sa paparating na July 29, 2023, huwag kalimutan i-vote ang YES for Barangay Merging.
We Strike As One!
Dito sa Bacoor At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.