Ginanap noong March 2, 2024, ang isang nakamamangha at nakakaaliw na Marching Band Parade sa Lungsod ng Bacoor bilang pagdiriwang at pasasalamat sa mismong kaarawan ni Mayor Strike B. Revilla.
Ang nasabing okasyon, na dinaluhan ng humigit-kumulang na 20 lokal na marching bands sa Lungsod, ay nagdulot ng kasiyahan sa mga manonood pati na rin sa mga opisyal na nagbigay suporta, kasama na sina Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, at ang Liga ng mga Barangay.
Sa pagtatapos ng makulay na pagdiriwang na ito, ang kaganapan ay hindi lamang nagbigay-diin sa kahusayan ng sining at kultura, kundi nagpamalas din ng di-matatawarang pagkakaisa at pagmamahal sa bayan.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.