Nagkaroon ng 2 days Training/Seminar ang mga focal persons ng bawat Departamento at opisina ng Lungsod ng Bacoor para sa Strategic Performance Management System (SPMS) sa Escala, Tagaytay, noong April 24-25, 2024. Sa pangunguna ng HRDMD Head Ms. Natividad Ople, Ms. Rachel Alcantara Assistant Head ng HRDMD at Resource person Mr. Earl P. Tongol – Lead Trainer and Consultant on Productivity & Quality Improvement.
Tinalakay ang mga sumusunod: Alignment of Strategic Directions with Strategic Objectives, Management of Performance at Understand Office and Individual Performance. Ang mga focal persons ay natuto ng mga bagong kaalaman tungkol sa paggawa ng OPCR/IPCR na naaayon sa ISO Standards.
Bumisita din si Mayor Strike B. Revilla at City Councilor Karen Sarino – Evaristo, sa training upang magbigay ng pagsuporta sa mga ginagawang proyekto ng Lungsod ng Bacoor.