Isinagawa ng Department of Education (DEPED) ang seremonya ng Panunumpa sa Katungkulan para sa mga bagong empleyado ng Local School Board (LSB). Ang okasyong ito ay ginanap sa Office of The Mayor ngayong ika-12 ng Marso, 2024 at dinaluhan ni Mayor Strike B. Revilla.
Kabilang sa mga dumalo ay sina Analen D. Labitag, Lady School Guard mula sa Ligas 2 Elementary School; Zaldy B. Barras, Administrative Aide I mula sa Bayanan Elementary School; Gil B. Banhag, School Guard mula sa Soldiers Hills 4 Elementary School; at Angelito V. Santos, Administrative Aide I mula sa City School Division ng Bacoor.
Ang seremonyang ito ay sumisimbolo ng kanilang pangako at dedikasyon sa kanilang mga gawain at responsibilidad.
Sa pagpasok ng mga empleyado sa kanilang paglilingkod sa LSB at DEPED, sila ay pinagkakatiwalaan na makapag-ambag sa pagpapaunlad at pagpapabuti ng sistemang pang-edukasyon sa Bacoor City. Ang seremonya ay nagmumulat ng kanilang paglilingkod at pagtupad sa kanilang mga tungkulin sa komunidad.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.