Sa nagdaang ika-3 ng Pebrero, 2024, nagkaroon ng makasaysayang kaganapan sa Bulwagan ng Liga ng Barangay Building, kung saan isinagawa ang pormal na pagsasanay at panunumpa para sa mga bagong halal na Sangguniang Kabataan (SK) Secretary at SK Treasurer. Ang nasabing kaganapan ay idinaos sa pangunguna ng Local Youth Development Office at Sangguniang Kabataan ng lungsod.
Dumalo sa okasyon ang mga kilalang personalidad mula sa pamahalaang lokal, kasama na si Mayor Strike B. Revilla, Konsehals Rey Palabrica, Konsehal Bok Nolasco, at Konsehal Simplicio Dominquez, at ang SK President na si Palm Angel Buncio. Kasama rin sa mga bisita sina Mr. Reginaldo S. Revilla, City Local Government Operation Officer mula sa DILG City of Bacoor, at si Ms. Ma. Melita O. Villaruel, LGOO VI, Technical Staff – Cluster A mula sa DILG Province of Cavite.
Nag-ambag ng kanilang karanasan sa SK si Mr. Josh Christian P. McCarver, dating SK Secretary ng Barangay Molino IV, at si Ms. Baby Lyn Kempiz, Local Youth Development Officer ng City of General Trias. Kasama rin sa mga dumalo si Ms. Natividad Ludwig I. Ople, Head Human Resources Development & Management Department.
Sa pag-attend ng 47 SK Secretary at 47 SK Treasurer mula sa iba’t-ibang barangay sa Bacoor, kasama ang kinatawan at tagamasid mula sa Local Youth Development Office ng City of General Trias, Cavite, nagsilbing makasaysayan ang araw na ito para sa masiglang SK organization.
Ang pangunahing layunin ng kaganapan ay ang pagsasanay at panunumpa ng mga bagong SK Treasurer at Secretary. Ang mga kasapi ng SK mula sa iba’t-ibang barangay sa Bacoor ay nagbigay ng kanilang buong atensyon sa pagsasanay mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon. Isang tagumpay na nagpapakita ng dedikasyon at pagkakaisa para sa mas malakas at masiglang komunidad ng kabataan.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.