Noong ika-3 ng Pebrero 2024, nagbigay suporta at dumalo ang ating butihing Mayor Strike B. Revilla sa Interschool Developmental League Season 7 na ginanap sa Molino IV covered court. Ang programa na ito ay masigla at naging matagumpay sa pangunguna nina LiLy B. Berey, Guidance Coordinator ng Maria Mae Academy, at Dr. Nonitha Figuerrez, CEO ng Maria Mae Academy. Layunin ng mga tagapamahala na mapagtibay ang tiwala, sportsmanship, at mas lumalim ang samahan, habang nagbibigay daan sa pag-unlad ng bawat mag-aaral.Hinangaan din ang masiglang pagsali ng iba’t ibang paaralan tulad ng Bristle OAK Academy, Mizpah Academy School, Citiville Christian Academy, Theos Higher Ground Academe, St Thomas More Academy, at Marian Mae Academy.Kasama rin ng ating butihing Mayor Strike B. Revilla ang ibang mga lokal na opisyal na nagbigay ng suporta sa mga ganitong inisyatibo tulad nina Councilor Rey Palabrica, Councilor Alde Pagulayan, Kap. Jeffrey Campana, Kagawad Teofilo T. Rendal Jr., at SK President Palm BuncioSa ganitong pamamaraan, patuloy nating pinatatag ang pundasyon ng magandang kinabukasan para sa ating mga kabataan, at itinataguyod ang diwa ng samahan at pagkakaisa sa ating lungsod ng Bacoor.

Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.