Sa isang kasiyahang puno ng sayawan, kantahan, at kuwentuhan, nagtipon-tipon ang mga dating at bagong halal na opisyal ng barangay noong nakaraang Martes, ika-12 ng Disyembre 2023 para sa kanilang Christmas Party.
Naging tampok sa masiglang pagdiriwang na ito ang pagbibigayan, kung saan hindi lamang nagbahagi ang mga ito ng mga regalo at Christmas packages, kundi pati na rin ng pa-raffle na talaga namang ikinatuwa at ikinagalak ng bawat isa.
Dumalo rin sa selebrasyon si Mayor Strike B. Revilla at City Councilor Karen Sarino Evaristo upang magbigay ng kanilang suporta at pakikiisa.
Sa huli, nagtagumpay ang okasyon sa pagpapakita na sa likas na diwa ng Pasko, ang pagkakaisa at pagmamalasakit sa kapwa ang pinakamahalagang regalo na maaring ibigay ng bawat isa.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.