April 12, 2024 — Isinagawa muli ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, kasama ang Hope in Me Club, Lions International District 301 – A2 Seven Lakes MJF Lions Club, at Imus Dambalasik Lions Club, ang pamamahagi ng libreng salamin sa mga pampublikong mag-aaral.
Mahigit 139 na mag-aaral ang tumanggap ng Free Eye Glasses na idinaos sa Aniban Central School, Brgy. Aniban 2.
Kahapon rin ay nagkaroon ng feeding program sa nasabing paaralan.
Ito ay isang halimbawa na patuloy ang pagbibigay ng Pamahalaang Lungsod ng mga programa para sa edukasyon at kabataan. Isa ito sa mga layunin ng ating Lungsod na suportahan at tugunan ang mga pangangailangan ng bawat isa, lalo na sa larangan ng edukasyon.
Buong pusong sinuportahan at dinaluhan ni Mayor Strike B. Revilla ang programang ito para sa mga mag-aaral. Dumalo rin sina Lion. Jose Elmer “Emoy” Francisco (Charter President, Imus Dambalasik Lions Club), Lion. Maricon Simuangco (Vision Committee Chair, Imus Dambalasik Lions Club), Lion. Niño Ambray (Pres. Seven Lakes MJF Lions Club), Lion. Hanessa Mejia (Vision Committee Chair, Imus Dambalasik Lions Club), Lion. Rodante Bico, 5PMJF (District Governor, Lions Club), Lion. Wilfredo Flores Jr., 30PMJF (1st Vice Gov., Lions International District 301-A2), Lion. Apolinar Cortez, 3PMJF (2nd Vice Gov.,Lions International District 301-A2), Dra. Tina Alberto, at Ms. Cherry Torres.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.