Isang makulay at masayang okasyon ang naganap sa Strike Multi-purpose Hall ngayong araw ika-24 ng Abril, 2024, kung saan binasbasan ni Mayor Strike B. Revilla ang kasal nina Arvin Collado at Janine Ballaran. Ang nasabing pagdiriwang ay inorganisa ng Office of Local Civil Registry (LCR) ng lungsod.
Kasama sa mga dumalo sa espesyal na okasyong ito sina Mayor Strike B. Revilla, Pastor Mike Bautista na nagbigay ng espiritwal na aspeto at counseling para sa kasal, at si Ma. Theresa Cameros, ang head ng LCR.
Ang kasal nina Arvin Collado at Janine Ballaran ay nagbigay-daan sa pagbubuklod ng dalawang puso sa sakramento ng kasal. Punong-puno ng pag-ibig at pangako ang seremonyang ito, na pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla.
Mabuhay ang bagong kasal na sina Arvin at Janine! Mabuhay ang pag-ibig at kasal ng magsing-irog!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.