Noong January 27, 2024, sa tulong ng Housing Urban Development and Resettlement Department (HUDRD) at sa pangunguna ng ating mahal na Mayor Strike B. Revilla na ginanap sa Main Square Mall, mahigit 26 na asosasyon ang matagumpay na nakapanumpa sa kanila tungkulin sa layuning maging katuwang ng ating mahal na Mayor sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng bawat Bacooreño.
Kasama sa dumalo sa nasabing seremonya sina Coun. Rey Fabian – Urban Committee Head, Liga ng mga Barangay Vice President Coun. Randy Francisco, Mr. Jeng Pagdanganan – Head General Services Office, Pres. Leslie Dianne V. Morales at Mr. Erick Lorro – Former Executive Director BHOAAC.
Sa ngalan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, binabati po namin ang lahat ng bagong Association Officers at saludo po kami sa inyong dedikasyon para maglingkod sa bayan ng Bacoor.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.