Noong March 8, 2024 isinagawa ng Cavitex Infrastructure Corporation ang Easytrip RFID Sticker Caravan para sa mga Caviteñong wala pang RFID na dumadaan sa Cavitex/Coastal Toll Gate.

Ang programang ito ay binaba sa Lungsod ng Bacoor para mas maging magaan sa mga motoristang dumaraan sa toll gate.
Pinangunahan ni Councilor Alde Pagulayan na siyang kumatawan kay Mayor Strike B. Revilla ang pag tanggap sa mga panauhin na galing sa kumpanya ng Cavitex.
Dumalo si Ma’am Laarni Capate ang Team Leader ng ETC OPS, Precious Romalte RFID Associate POS, Marian Maranan RFID Associate POS, Aileen Samartino, Supervisor ETCOPS.
Tumagal hanggang 6 na oras ang Caravan na dinayo naman ng mga motorista na galing sa ibat-ibang City Municipality sa Cavite.
Nagpapasalamat naman ang Lungsod ng Bacoor sa Cavitex sa serbisyong ibinigay nito ngayong araw.
RFID INSTALLATION
RFID REPLACEMENT ( FOR OLD RFID USER )
RFID RELOADING
RFID HEALTH CHECK
Patuloy naman ang pag suporta ng Pamahalaang Lungsod sa mga kumpanyang nakakapag bigay ng serbisyo sa mga Bacooreño.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor At Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.