Sa isang okasyon na inorganisa ni Mayor Strike B. Revilla, ginanap ang Blessing ng Revilla Rancho ngayong ika-8 ng Marso, 2024.
Isinabay ang Blessing sa mismong Kaarawan ng ama ng Pamilya Revilla, Former Senator Ramon Revilla Sr.
Ito ay simbolo ng pagsisikap ng pamilyang Revilla na mapaunlad pa ang Rancho Revilla na minana nila sa kanilang minamahal na ama.
Dumalo sa okasyon sina Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, Senator Ramon Revilla Jr., Congresswoman Lani M. Revilla, Congressman Bryan Revilla, Congressman Jolo Revilla, Princess Revilla at ang kanilang pamilya, Mayor Andeng Revilla Ynarez, Dianne Bautista Paterno, at ang kanilang mga pamilya.
Kasama rin sa pagdiriwang ang mga Department at Unit head, pati na rin ang 47 Barangay kapitan na aktibong nakilahok sa mga selebrasyon. Layunin ng okasyon na basbasan ang iba’t ibang establisyemento sa loob ng Revilla Rancho, tulad ng Strike shooting range, Strike garage, covered court, at mga bahay.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.