Huwag ka nang mag-alala! Sagot na ng City Government of Bacoor at SM Prime Holdings Incorporated ‘yan! Sa pamamagitan ng LIBRENG SAKAY Program, mas mapapadali at mas abot-kaya na ang transportasyon dito sa Lungsod ng Bacoor.
Dalhin at ipakita lamang ang inyong Special Bacoor Residents (SBR) Card o kahit na anumang Government-Issued ID na nagpapatunay na ikaw ay residente ng Bacoor, siguradong LIBRE na ang sakay mo rito!
Abangan ito tuwing LUNES, mula 7:30 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, at 8:30 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon naman tuwing MARTES at MIYERKULES.

LIBRE NA, SAFE KA PA! SAKAY NA! (blue_heart)