Pinangunahan ng NAPOLCOM Regional Office Calabarzon ang ginanap na PNP Entrance and Promotional Examination na nagsimula noong May 22 na magtatapos sa May 24, 2023 sa Strike Gymnasium.
Layunin ng programang ito na mapadali ang pag-aapply ng ating mga kababayang Bacooreño, Caviteño sa PNP Entrance at Promotional Exam upang hindi na sila pupunta sa opisina ng NAPOLCOM sa labas ng Cavite.
Umabot sa mahigit 500 ang nakapag-apply na sa programa ng NAPOLCOM na hindi lang Bacooreñong Pulis ang nakinabang kundi maging ang ating mga unipormadong Pulis na naka-assign sa probinsya ng Cavite.
Ang programang ito ay inisponsoran ni Mayor Strike B. Revilla bilang tulong narin sa mga nais mag-Pulis at nais umangat ang ranggo sa pagiging Pulis.
Nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa NAPOLCOM Regional Office Calabarzon sa katauhan ni Cavite Provincial Officer Ms. Maria Ervina Martinez at sa bagong PNP Chief ng Bacoor PLTCOL. Jesson Vista Bombasi at maging sa Bacoor Exam Processing Team sa matagumpag na programa na makakatulong sa ating mga kababayang Bacooreño at Caviteño.
As We Strike As One. Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.