Nagtungo ang Public Employment Service Office sa University of Perpetual Help sa Molino upang magsagawa ng pre-employment orientation seminar para sa kanilang graduating students.

Pinaliwanag ni Doc Abraham de Castro, PESO Chief, ang iba’t ibang programa ng pamahalaang lungsod na makakatulong sa kanilang makakuha ng magandang trabaho.

Inimbitahan din ng PESO sina Engr. Gemma Ramos at Engr. Jeanette Lim, na kapwa Senior Labor Officers at Inspectors mula sa DOLE Provincial Office, para maliwanagan ang kabataan ukol sa labor laws at worker benefits.