Tinalakay sa pagpupulong na ito ang kasulukuyang sitwasyon sa Lungsod ng Bacoor at ng iba pang karatig na bayan at lungsod sa Lalawigan ng Cavite, at ang mga posibleng tulong na maibibigay sa mga Caviteño na nasalanta ng kalamidad.
Nakasama ni Mayor Strike ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo, Sen. Bong Revilla, Agimat Partylist Rep. Bryan Revilla, Cong. Jolo Revilla, Congw. Lani Mercado Revilla, Gov. Jonvic Remulla, Board Member Ram Revilla Bautista, at Cavite City Mayor Denver Chua.
Ngayon palang ay nagpapasalamat na ang mga Bacooreño sa parating na tulong mula sa National Government.