Nakiisa sa pagdiriwang si Bacoor Chamber of Commerce and Industry President Jayson Atienza, Cong. Lani Mercado-Revilla, at si Mayor Strike B. Revilla na nagbigay din ng mensahe sa selebrasyong punong-puno ng saya at umaatikabong enerhiya. Hataw sa sayawan ang ating mga Celebrity Zin Joshua at Saicy, na pinangunahan ang dance party para sa mga Bacooreño. Ilan sa kanila ay nakatanggap rin ng special prizes mula sa BCCI. Hit na hit din ang masayang rakrakan ng mga guest comedians led by Osang, the Rock Diva. Kasabay nito, tinangkilik din ng mga dumalo ang mga stalls sa bazaar. Ang matagumpay na pagdaraos ng 351st Bakood Festival closing event na ito ay ginawang posible ng City Government of Bacoor at ng BCCI.