Sa kanyang mensahe sinabi ng mayor na nagsisilbing diversion para sa mga kabataan ang sports kaya naman nakakaiwas sila sa mga masasamang bisyo. Bukod pa dito ang sports anya ay magandang paraan ng ehersiyo. Pinaalalahanan din ng butihing mayor ang mga kabataang manglalaro ang kahalagahan ng sportsmanship sa kahit anong laro.
Nagtapos si Mayor Strike, sa pangakong patuloy niya susuportahan ang mga kabataang atleta ng Bacoor sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga sports clinics, para na rin makabuo ng mga homegrown talents ang lungsod sa larangan ng palakasan.
Kasama ni Mayor Strike si Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola at mga SK Officers ng Barangay Molino 1-7, Mr. Dennis Abella ang team manager ng Bacoor City Strikers at ilang manlalaro ng Bacoor Strikers, sa pagbubukas ng ligang ito, bilang bahagi pa din ng International Youth Day Celebration na ipinagdiriwang tuwing August 12.