Naibsan ang lungkot na nararamdaman ng mga nasunugan na pansamanatalang nasa Evacuation Center sa Maliksi 1 Elementary School sa pagdating ni Mayor Strike B. Revilla kaninang umaga. Personal na dinalaw ni Mayor Strike B. Revilla ang mga pamilyang naapektuhan ng naganap na sunog kahapon sa Maliksi 2. Nasa tinatayang 157 na pamilya na nasunugan ang kasalukuyang nasa evacuation center. Nagbahagi ng tulong ang Lungsod ng Bacoor na pinangunahan ng CSWD sa kanila, sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangunahin nilang pangangailangan tulad ng bigas, food supplies at hygiene kits.
Sinigurado ni Mayor Strike na maayos ang evacuation center na kinalalagyan ng mga mga pamilyang naapektuhan ng sunog at naalagaan sila ng mabuti duon.