Nabigyan ng financial assistance ang mga farmers at hograisers na naapektuhan ng African Swine Fever. Nabigyan din sila ng mga urban gardening tools, seeds, at fertilizers sa pangunguna ni Mayor Lani Mercado Revilla.

Isang daan at labing tatlong hog raisers mula sa walong barangay – San Nicolas 3, Queens Row Central, Queens Row East, Queens Row West, Molino 2, Molino 3, Molino 6, at Molino 7 – ang naapektuhan ng ASF. Umabot sa P5,185,000 ang binigay na financial assistance ng Department of Agriculture Region IV.

Ito ay programa ng Bacoor City Veterinary Office, Bacoor City Agriculture Office, at ng Department of Agriculture Region IV-A.

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani