Mag-uumpisa na din ang ating malawakang bakuna para sa Measles-Rubella at Oral Polio Vaccine. Simula February 1 hanggang 28, maaari na kayong magpabakuna sa ating mga Barangay Health Centers. Alamin sa inyong mga Barangay ang schedule ng kanilang pagbabakuna. Maaari ding makipag-ugnayan sa ating City Health Office para sa inyong katanungan at schedule.
Wag tayo mangamba at wag kalimutang pabakunahan ang inyong mga anak. Mas lalong kailangan nila ng proteksyon laban sa mga sakit na ito lalo na ngayon at may pandemya pa.
Stay safe, save lives. Get the Measles-Rubella and Oral Polio Vaccine! Sama-sama tulong-tulong tayong bigyan ng proteksyon ang ating pamilya, Love My Bacoor!