Q: Paano nagkakaiba ang mga bakuna?
A: Nagkakaiba ang mga bakuna kung saan ito gawa at kung paano ito naghuhudyat ng immune response para gumawa ng antibodies. Itong antibodies ay panlaban sa mikro-organismo na kalaunan ay magiging proteksyon laban sa totoong impeksyon. Ang bakuna ay maaring pinahina o patay na organismo, o isang genetic product (tulad ng mRNA) na gagawa ng protina ng isang virus o bacteria nang hindi nagdudulot ng sakit. Sundan ang mga balita tungkol sa bakuna at suportahan ang ating programang pagbabakuna laban sa COVID-19. Tara sa BIDA BakuNation!