Ginanap sa Revilla Hall ang pagpupulong ng mga magiging watchers sa darating na Plebisito sa July 29, 2023. Dito pinag-usapan ang mga gagawin ng isang watcher sa araw ng eleksyon at kung paano sila higit na makatutulong sa magaganap na Plebisito.
Sinisigurado ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa Pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla katuwang ang Comelec Bacoor na maging maayos at maging matagumpay ang Barangay Merging sa araw ng botohan.
Binigyang diin naman ng Comelec ang mga batas at alituntunin sa pag-ganap bilang isang watcher upang hindi magkaroon ng problema ang election ng Plebisito.
Sa huli, nagpapasalamat si Mayor Strike B. Revilla sa mga Bacooreño na magiging katuwang ng Pamahalaang Lungsod lalo na sa Comelec na silang mangunguna sa araw ng botohan, gayundin sa mga guro na magbibigay ng kanilang oras at panahon para maging matagumpay ang Barangay Merging sa Lungsod ng Bacoor.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.