Ginanap sa Brgy. Aniban 1 Covered Court noong ika-23 ng Abril 2024 ang pamamahagi ng bigas.
Ito ay isang malaking tagumpay na nagpapakita ng malasakit at suporta ng Team Revilla sa mga mamamayan ng Bacoor.
Inorganisa ng CSWD ang paminigay ng bigas para sa mga residente ng Barangay Aniban 1 na may 974 na residente sa tulong ni Kap. Jose “Densing” Agcopra.
Nagbahagi rin ng disaster preparedness and response training ang BDRRMO personnel at fire safety training naman galing sa mga personnel ng BFP.
Nagpabatid din ng kanilang mga mensahe sa pamamagitan ng video message sina Mayor Strike Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mediola, Congw. Lani Mercado Revilla, at ang ating mahal na Sen. Bong Revilla Jr, para sa mga residente ng Brgy. Aniban 1.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.