Linggo pero tuloy ang trabaho, sa isang pagtitipon nagkaroon ng pagkakataon si Mayor Strike B. Revilla na makasama ang mga dating SK Chairperson. Dumalo rin sa nasabing event sina Konsehala Karen Sarino Evaristo, LNB Vice President Konsehal Randy Francisco, Mr. Richard Quion, head ng BDRRMO, Mr. Agripino Pagdanganan head ng GSO at si Mr. Raven Espiritu, ang dating SK Federation President.
Ang layunin ng pagtitipon na ito ay upang magkaroon ng kamustahan at magbigay ng suporta sa mga dating SK Chairperson ng Bacoor. Ito ay bahagi ng adhikain ni Mayor Strike na bigyang halaga ang mga ambag ng mga Former SK Chairperson sa ating lungsod.
Ito ay ginanap sa Legislative and Disaster Resilience Building. Sa pamamagitan nito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga dating SK Chairperson na ibahagi ang kanilang mga kasalukuyang buhay at mga pangangailangan sa kasalukuyang administrasyon.
Ibinalita rin dito na magkakaroon ng Barangay Day na gaganapin sa Birthday Month ng ating Mayor sa ika-3 ng Marso. Ito ay isa pang pagkakataon para bigyan ng Pagkilala ang mga Dating Barangay Officials, SK Officials, at mga Barangay Workers katulad ng Tanod.
Sa pamamagitan ng mga ganitong pagtitipon, patuloy na ipinapakita ni Mayor Strike B. Revilla ang kanyang malasakit at suporta sa mga kabataang dating naglingkod sa ating Lungsod. Ang kanyang liderato at dedikasyon ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa iba pang mga opisyal at mamamayan ng Bacoor.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.