Nobyembre 27, 2023 — Pinangunahan ng ating minamahal na alkalde na si Mayor Strike B. Revilla ang buong pusong panunumpa nang 376 Sangguniang Kabataan Officials at 376 Barangay Officials ng 47 Barangays dito sa Lungsod ng Bacoor.
Kasabay nito, isinagawa rin ang Pagkilala sa mga Outgoing na 3-Term Barangay Officials at Outgoing SK Chairpersons sa ating Lungsod, bilang pasasalamat sa kanilang dedikasyon at serbisyo na ibinigay nila sa Lungsod at sa kanilang mga kababayan.
Kasama sa seremonyang ito ang mga dumalo tulad ni Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, Kongresista Lani Mercado-Revilla, Kongresista Bryan Revilla, BM Edwin Malvar, BM Ram Revilla, mga Sangguniang Panlungsod Members, at si Ms. Angie Cariaso na nagpakita ng buong suporta.