Isa sa pinakahihintay ng paaralan, guro at estudyante ang proyektong inilaan ni Congresswoman Lani M. Revilla katuwang sila Senator Ramon Revilla Jr, Agimat Partylist- Congressman Bryan Revilla, Board Member Ram Revilla, Speaker Martin Romualdez at ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna nila Mayor Strike B. Revilla, Sangguniang Panlungsod Members sa pamumuno ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola.
Ang proyektong ito ay malaki ang maitutulong sa ating mga kabataang mag-aaral na nag-aaral sa Bayanan Elementary School. Target ng proyektong ito na maibsan ang uhaw ng mga magulang, estudyante at guro para hindi na kailangan pang gumastos ng mga estudyante pagbibili ng tubig.
Ang proyektong ito ay naging matagumpay sa tulong narin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sa sama-samang pag tutulungan ay madaling naibigay ang proyekto.
Dumalo naman sila Punong Barangay Alfie Gawaran, Dr. Babylyn Pambid – OIC School Division Superintented, Dr. Venus T. Balmedina, Assistant Schools Division Superintendent, Dr. Ma. Teressa Semino – School Principal IV at ibang PTA Officials.
Hindi natigil ang ating Pamahalaang Lungsod, Office of the Congresswoman Lani M. Revilla, Agimat Partylist Cong. Bryan Revilla at iba pang ahensyang sa National na patuloy na natulong sa ating Lungsod.