Noong March 19, 2024 isinagawa ang pagbibigay tulong sa ating mga urban poor sa pamamagitan ng Assistance to individual in crisis situation (AICS), ito ay sa inisyatibo ng ating butihing Mayor Strike B. Revilla katuwang sina Sen. Bong Revilla Jr. at ng Agimat Partylist, na ginanap sa Strike Gymnasium.
Dinaluhan din ito ng Sangguniang Panglungsod kasama ang ating mahal na Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola. Ginamit rin ang pagtitipon na ito para makapagturo ang BFP at BDRRMO patungkol sa safety tips at fire prevention. Sinundan din ito ng mga paalala ng mga ordinansa panglungsod, 1 ticketing system, Paleng-QR Ph at Revilla law na binanggit ng ating butihing Senator Bong Revilla Jr. sa kanyang video message kasama si Congresswoman Lani Mercado Revilla.
Ang mga gantong inistyatibo ay hindi lamang natulungan ang ating mga kababayan sa mga pangangailangan nila kundi nagkaroon din ng pagkakataon ang lokal na pamahalaan na iparating ang mga mahahalagang mensahe at mga programa para sa kabutihan ng komunidad.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.