Muling nakatanggap ng parangal si Mayor Strike B. Revilla mula sa National Commission of Senior Citizens sa ginanap na Elderly Filipino Week Culminating Ceremony. Ang seremonya na ito na may temang “Honoring the Invaluable Legacy of the Filipino Senior Citizens” ay idinaos noong nakaraang Sabado, October 7, 2023, sa MOA Complex, Pasay City.
Ang parangal na ito ay bilang pagkilala sa kanyang mahalagang kontribusyon at matibay na dedikasyon sa pagpapabuti sa buhay ng mga Senior Citizens sa pamamagitan ng mga programa at serbisyo ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor.
Kasama sa binigyang rekognisyon ang head ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) na si Atty. Venus De Castro gayundin ang President ng Federation of Senior Citizens Associations of the Philippines (FSCAP) na si Ms. Nenita Reyes.
Video Credits: National Commission of Senior Citizens
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.