Tuwang-tuwa ang mga PWD at ilang mga seniors na nakatanggap ng cash gift handog ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla.
Punong-abala ang Team CSWD sa aktibidad na ito sa pangunguna ni Ma’am Lilianne Ugalde.
May kantahan, sayawan at pa-games pa na mas lalong ikinasaya ng mga PWD.
Nakibahagi din ang mga city officials pati ang Presidente ng PWD Association sa Bacoor na si Kap. Jorwin Bautista sa Kalinga sa PWD.
Ikinagalak din ng mga PWD na makasama si Mayor Strike B. Revilla na nagbigay ng mensahe at enjoy na enjoy nagpa selfie sa kanila.
Isa na namang matagumpay at masayang Kalinga sa PWD.
Strike as One sa pagbibigay malasakit sa bawat Bacooreño!