Ang Bacoor Town Fiesta at ang Marching Band Parade ay dinaluhan ni Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola at BM Ram Revilla sa Brgy. Tabing Dagat, kasama ang Sangguniang Panglungsod Members, Rev. Calixto., Capt. Arnold De Leon, Capt. Ramon “Monching” Bautista, at tatlong Hermanas na sina Madonna C. Recto – Harder, Mrs. Jonalyn Mabanglo Puma, at Dr. Salome Sorino – Dijamco.
Nagsimula ang parada na nilahukan ng iba’t ibang Marching Band mula sa Zapote Kalinisan via Evangelista Street at nagtapos sa harap ng bagong New Regional Trial Court.
Gayunpaman, lubos na nagpapasalamat ang Ama ng Lungsod ng Bacoor na si Mayor Strike B. Revilla sa City Tourism of Bacoor sa pamumuno ni Mr. Edwin Guinto sa isang matagumpay na pag organisa ng band parade sa kapistahan ng San Miguel.
Dumalo din ang youtube sensation at hindi nakakalimot na miyembro ng El Gobernador na si Zeinab Harake na nagbigay aliw sa bawat Bacooreño.
Naging katuwang at sponsor ng matagumpay na programa ang Cavitex, Maynilad, Jeanette M. Mendoza, Boss Nonet Espiritu, Requio Family at Mr. and Mrs. Roberto Jose.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.