Sa araw na ito, kami ay nagdiriwang at nagpupugay sa iyong kaarawan. Isang malugod na pagbati sa iyo, dating Senador Ramon Revilla Sr., ang orihinal na Agimat ng Pelikulang Pilipino at isa sa mga haligi at ama ng pag-unlad ng Lungsod ng Bacoor.
Sa kabila ng iyong pagkawala, hindi ka namin malilimutan. Ang iyong dedikasyon, kagitingan, at pagmamahal sa ating bayan ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa amin. Saan man naroroon, maligayang kaarawan, Senador Revilla. Patuloy kang magiging buhay sa aming mga puso at alaala.
Sa iyong kaarawan, kami ay nagpapaalala ng iyong walang sawang serbisyo at dedikasyon sa ating Lungsod ng Bacoor. Bilang dating Senador at ang orihinal na Agimat ng Pilikulang Pilipino, ang iyong mga kontribusyon ay patuloy na nagbibigay ng direksyon at inspirasyon sa amin.
Ang iyong di matatawarang pagmamahal sa ating bayan at sa sining ng pelikula ay nag-iwan ng malalim na marka sa aming mga puso. Saan man naroroon, maligayang kaarawan, Senador Ramon Revilla Sr.
Sa bawat pag-usad ng ating lungsod, sa bawat tagumpay na ating nakakamit, ikaw ay patuloy na babahagi ng aming pasasalamat at pag-alala.