Matagumpay nating naisagawa ang vaccination rollout simulation kaninang umaga sa Southern Tagalog Regional Hospital kung saan 30 Bacooreño na healthcare workers, government employees, at social workers ang nabakunahan.
Sa ngayon ay naghahanda na tayong pumasok sa tripartite agreement sa isang pharmaceutical company na siyang ilalaan naman para sa mga Bacooreño na mababakunahan labas sa allocation ng National Government. Inihahanda na rin natin ang ating storage facility at patuloy ang registration at survey para sa Barangay E-Governance Information System o BEGIN na siyang ibibigay sa Covid-19 Electronic Immunization Registration (CEIR) ng DOH.